Matandang Balara Pride Month Celebration
Allotted Budget
₱337,050Amount Utilized
₱336,650Total Beneficiaries
700Social Inclusion & Equity
Budget tracking
Allotted Budget
₱337,050Amount Utilized
₱336,650Total Beneficiaries
700Title 1
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To strengthen the support for safe spaces for LGBTQIAy+youth members of the community |
| 02 | To advocate for supportive SOGIE policies; disseminate information on SOGIE rights and programs, and establish safe spaces for all genders |
| 03 | To promote gender equality and integrate gender and development (GAD) awareness in SKMB work settings and program |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of youth members who actively participated in the activities in line with the celebration of Pride Month |
| 02 | Number of youth who engaged and supported the campaign against gender discrimination among LGBTQIA+ members of the community |
Shared across all project titles
Bilang isang gender-diverse at female-dominated na konseho, isa sa mga pangunahing adbokasiya ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara (SKMB) ang pantay na pagkilala, sa ilalim ng ating batas at mga batayang legal at panlipunan, sa identidad at karapatan ng bawat tao, anuman ang kanilang sexual orientation, gender identity, at gender expression (SOGIE).
Bilang interbensyon sa lokal na antas, itinatag ang Matandang Balara Pride March (MBPM) noong 2023 ng mga pribadong organisasyon sa pangunguna ni Hon. Marie Leonora Belle A. Aro. Mula sa MBPM 2024, “IsaPuso, IsaKulay: Isang Balara para sa Pagkakapantay-Pantay,” hanggang sa MBPM 2025, “Kulaya: Kulay Malaya,” at MBPM 2026, “Bahagi Ako ng Malayang Balara,” naging susi ang taunang pagdiriwang ng SKMB ng MBPM sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapataas ng kamalayan ng komunidad patungkol sa Gender and Development (GAD), mga kaugnay na polisiya, at karapatan ng bawat tao sa ligtas na mga espasyong panlipunan, anuman ang kanilang kasarian.
Sa ikaapat na taon ng MBPM, inilunsad ng SKMB ang Balara Drag Battle sa unang araw ng selebrasyon noong June 19, 2026. Nag-uwi ang kampeon ng PHP 7,000, isang crown, at sash; ang 1st runner-up ng PHP 3,000; ang bawat Top 4 finalist ng PHP 1,000 at sash; at lahat ng kalahok ng PHP 500 bilang consolation prize. Layunin ng proyekto na bigyang-diin ang drag bilang isang uri ng sining, payamanin ang makasining at makalipunang katangian nito, at kilalanin ang mga lokal na drag artist sa Matandang Balara.
Sa ikalawang araw ng Malayang Balara, June 20, 2026, isinagawa ang taunang martsa. Nagsimula ito sa Feria Covered Court, patungong Villa Beatriz, hanggang sa Commonwealth Avenue sa tapat ng Laura-Villa. Kasama sa martsa ang Old Balara Magnificent Colorguards, Anti-Crime Volunteers, Quezon City Department of Public Order and Safety Officers, mga Pride Ambassadors, at iba pang residente ng barangay na bahagi ng LGBTQIA+ community.
Pagkatapos ng martsa, inilunsad sa Commonwealth Avenue ang Pride Concert. Naging host ng programa sina Yoniel Acebuche, isang journalist at beauty queen, at Zed Lopez, founder ng ZEDit Graphic Design, Communications Head ng Makabagong Balara Foundation, Inc., at bahagi ng Office of the Chairman ni Hon. Belle Aro bilang Public Relations Department Head.
Kabilang sa mga performer ang mga lokal na artistang Balara, tulad ng ating mga drag queen na sina Havanna Luwapa, Zae Tan, at Chivas Regal; mga rapper na sina Teban at 1119 OB, at Domz; ang Claret Youth Ministry Choir; at mga natatanging guest performer na sina Slick One ng Breezy Boys at Maxie Anderson, ang Drag Race Philippines Season 3 Grand Winner.
Binigyan din ng pagkilala at pagkakataong magtanghal ang mga Pride Ambassador na lumahok sa parada. Nagkaroon din ng Best in Pride Costume Award para sa Top 2 na kalahok at Malayang Balara Organization of the Year Award upang kilalanin ang mga organisasyong may Biggest Delegation. Nag-uwi ng PHP 2,000, sash, at certificate ang bawat nanalong ambassador, habang PHP 5,000 at certificate naman ang natanggap ng mga nagwaging organisasyon.
Kasabay ng libreng konsiyerto ang #SaKantoNgBalaraBazaar. Kabilang sa mga kabataang Balara concessioner na lumahok ang Mars Food Hub, Vunny’s Cuisine, Brew Eat, Cai-Lher Tea, ABC Burger, Lemonada, Cafe 7R, A Forbidden Taste of Adan, Aeaa’s Snack Hub, G-Snacks, KTK Snacks, R&N Secret Clothes, Samgyup in a Bowl, She Prints Studio, Sweet Treats, at Beyond the Shoe.
Sa patuloy na pagdiriwang ng Pride Month sa Matandang Balara, sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan, nananatili ang panawagan ng konseho na ang Pride ay hindi lamang isang selebrasyon, bagkus ay isang protesta—protesta laban sa diskriminasyon, para sa pantay na oportunidad, at para sa ligtas na mga espasyo para sa lahat.
Patuloy na binibigyang-halaga ng programa ang pagsusulong ng kamalayan ng kabataan patungkol sa SOGIESC, sa paniniwalang ang kabatiran ay nakapagbibigay-lakas. Sa Ingles, information is empowering.
Read about MBPM 2024 here.
Read about MBPM 2025 here.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join