Matandang Balara Pride Month Celebration
Allotted Budget
₱169,910Amount Utilized
₱169,730Total Beneficiaries
700Social Inclusion & Equity
Budget tracking
Allotted Budget
₱169,910Amount Utilized
₱169,730Total Beneficiaries
700Title 1
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To strengthen the support for safe spaces for LGBTQIA+ youth members of the community |
| 02 | To advocate fo supportive SOGIE policies: dissemanate information on SOGIE rights and programs, and establish safe spaces for all genders. |
| 03 | To promote gender equality and integrate gender and development (GAD) awareness in SKMB work settings and programs |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of youth members who actively participated in the activities in line with the celebration of Pride Month |
| 02 | Number of youth who willingly participated in HIV Testing from the free booths |
| 03 | Number of youth who engaged and supported the campaign against gender discrimintation among LGBTQIA+ members of the community |
Shared across all project titles
Bilang isang gender-diverse at female-dominated na konseho, isa sa mga pangunahing adbokasiya ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara (SKMB) ang pantay na pagkilala, sa ilalim ng ating batas at mga batayang legal at panlipunan, sa identidad at karapatan ng bawat tao, anuman ang kanilang sexual orientation, gender identity, at gender expression (SOGIE).
Bilang interbensyon sa lokal na antas, itinatag ang Matandang Balara Pride March (MBPM) noong 2023 ng mga pribadong organisasyon sa pangunguna ni Hon. Marie Leonora Belle A. Aro. Mula sa MBPM 2024, “IsaPuso, IsaKulay: Isang Balara para sa Pagkakapantay-Pantay,” hanggang sa MBPM 2025, “Kulaya: Kulay Malaya,” at MBPM 2026, “Bahagi Ako ng Malayang Balara,” naging susi ang taunang pagdiriwang ng SKMB ng MBPM sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapataas ng kamalayan ng komunidad patungkol sa Gender and Development (GAD), mga kaugnay na polisiya, at karapatan ng bawat tao sa ligtas na mga espasyong panlipunan, anuman ang kanilang kasarian.
Noong 2025, isinagawa ang Kulaya noong June 21, 2025, katuwang ang Matandang Balara Pride Movement, Old Balara Pride Council, Old Balara Magnificent Colorguards, at Klinika Eastwood.
Nagsimula ang selebrasyon sa isang parada, Dahil sa kahiliginan ng karamihan sa LGBTQIA+ individuals sa Matandang Balara, nagkaroon ng LGBTQIA+ Beauty Pageant ang SKMB kasama ang Old Balara Pride Council. Dito, nagkaroon ng tatlong pangunahing kategorya: Filipiniana, Ramp, at Advocacy. Nag-uwi ang mga nanalo sa patimpalak ng PHP 10,000, PHP 7,000, PHP 5,000, at PHP 3,000 para sa Grand Champion, 1st Runner-up, 2nd Runner-up, at 3rd Runner-up. Bawat awardee ay binigyan din ng sash, plaque, at crown. Nagkaroon din ng special awards na Best in Advocacy, Best Ramp, at Best Filipiniana Ball Gown, kung saan ang bawat nanalo ay nabigyan ng sash, plaque, at PHP 1,000. Binigyan rin ang lahat ng mga kalahok ng PHP 500 na consolation prize. Bukod rito, sinigurado rin ng SKMB na manatiling makabuluhan ang selebrasyon sa pamamagitan ng SOGIE 101 at HIV 101 talks sa pangunguna ng Klinika Eastwood. Namigay rin ng libreng condoms, lubricants, at nagsagawa ng libreng HIV Testing ang parehong organisasyon para sa lahat ng kalahok at manonood ng MBPM 2025.
Sa patuloy na pagdiriwang ng Pride Month sa Matandang Balara, sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan, nananatili ang panawagan ng konseho na ang Pride ay hindi lamang isang selebrasyon, bagkus ay isang protesta—protesta laban sa diskriminasyon, para sa pantay na oportunidad, at para sa ligtas na mga espasyo para sa lahat.
Patuloy na binibigyang-halaga ng programa ang pagsusulong ng kamalayan ng kabataan patungkol sa SOGIESC, sa paniniwalang ang kabatiran ay nakapagbibigay-lakas. Sa Ingles, information is empowering.
Read about MBPM 2024 here.
Read about MBPM 2026 here.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join