Matandang Balara Pride Month Celebration
Allotted Budget
₱169,910Amount Utilized
₱169,410Total Beneficiaries
700Social Inclusion & Equity
Budget tracking
Allotted Budget
₱169,910Amount Utilized
₱169,410Total Beneficiaries
700Title 1
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To strengthen the support for safe spaces for LGBTQIA+ youth members of the community |
| 02 | To advocate for supportive SOGIE policies; disseminate information on SOGIE rights and programs, and establish safe spaces for all genders |
| 03 | To promote gender equality and integrate gender and development (GAD) awareness in SKMB work settings and programs |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of youth members who actively participated in the activities in line with the celebration of Pride Month |
| 02 | Number of youth who willingly participated in HIV testing from the free booths |
| 03 | Number of youth who engaged and supported the campaign against gender discrimination among LGBTQIA+ members of the community |
Shared across all project titles
Bilang isang gender-diverse at female-dominated na konseho, isa sa mga pangunahing adbokasiya ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara (SKMB) ang pantay na pagkilala ng ating batas, at mga batayang legal at panlipunan, sa identidad at karapatan ng bawat tao, anuman ang kanilang sexual orientation, gender identity, at gender expression (SOGIE).
Sa taon-taong pagdiriwang ng SKMB ng Matandang Balara Pride March (MBPM), taon-taon ding nais bigyang-diin ng konseho ang kahalagahan ng pag-angat ng kamalayan ng komunidad patungkol sa Gender and Development (GAD), mga kaakibat na polisiya, at karapatan ng bawat tao sa mga ligtas na espasyong panlipunan, anuman ang kanilang kasarian.
Bilang interbensyon sa lokal na lebel, itinatag ang MBPM noong 2023 ng mga pribadong organisasyon sa pangunguna ni Hon. Marie Leonora Belle A. Aro. Noong Hunyo 30, 2024, ang SKMB ang nagsilbing pangunahing organizer ng pangalawang MBPM, MBPM 2024, na tinaguriang “IsaPuso, IsaKulay: Isang Balara para sa Pagkakapantay-Pantay.”
Kabilang sa mga naging katuwang sa proyekto ang HIV and Aids Support House (HASH) at ang opisina ni Councilor Atty. Tope Liquigan.
Nagsimula ang araw ng programa sa isang martsa kasama ang Old Balara Pride Council, LGBTQIA+ Community ng Matandang Balara, at Old Balara Magnificent Colorguards mula Dupax hanggang Centro Covered Court. Sinundan ito ng pagtatanghal ng mga kasaping Pride Ambassadors ng kanilang mga kasuotan at adbokasiya. Bahagi rin ng programa ang balara-based queer artists—mga musikero at artista—na nagtanghal ng kanilang mga talento. Pagkatapos ng libreng konsiyerto, pinarangalan ang mga natatanging Pride Ambassadors ng sashes, crowns, certificates, at cash prizes mula 2000php hanngang 5000php. Lahat din ng kalahok ay nag-uwi ng 500php consolation prize. Namigay rin ng libreng condoms at lubricants ang HASH, kasabay ng libreng HIV Testing.
Sa patuloy na pagdiriwang ng Pride Month sa Matandang Balara, sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan, nanatili ang panawagan ng konseho na ang Pride ay hindi lamang isang selebrasyon; bagkus, isang protesta—protesta laban sa diskriminasyon, para sa pantay na oportunidad, at para sa ligtas na mga espasyo para sa lahat. Patuloy na pinahahalagahan ng programa ang pagsusulong ng pag-angat ng kamalayan ng kabataan patungkol sa SOGIESC, sa paniniwalang ang kabatiran ay nakapagbibigay-lakas. Sa Ingles, information is empowering.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join