Sining, Kwento at Musika ng Matandang Balara: The SKMB National Arts Month Celebration (by virtue of Presidential Proclamation No. 683 of 1981)
Allotted Budget
₱122,450Amount Utilized
₱121,900Total Beneficiaries
150Active Citizenship
Budget tracking
Allotted Budget
₱122,450Amount Utilized
₱121,900Total Beneficiaries
150Title 1
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To provide a platform for local youth artists to exhibit their talents thereby nurturing their development and enhancing visibility |
| 02 | To shed light in the importance of the arts in nation-building, and strengthen the local youth artist of the barangay |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of local youth artists who performed and participated in showcasing their artistic talents |
| 02 | Number of youth who attended and actively engaged in supporting the local youth artists |
Shared across all project titles
Ang Sining, Kwento, at Musika ng Balara ang pinakaunang institutionalized na programa sa antas ng barangay na nagdiriwang ng National Arts Month sa Matandang Balara. Isinasagawa ito alinsunod sa Presidential Proclamation No. 683, na nagtatakda sa buwan ng Pebrero bilang National Arts Month.
Nais ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara (SKMB) na bigyan ng espasyo ang mga #ArtistangBalara upang maipakita ang kanilang angking galing sa larangan ng sining. Naniniwala ang SKMB na ang sining ay isa sa mga pinakapundamental na bahagi ng ating lipunan, bilang isang mekanismong nakapagpapukaw ng isip at damdamin, nakapagsisimula ng pagkilos, at humuhubog sa perspektibo at kultura ng lipunan.
Nagsimula ang programa noong 2024 sa pangunguna ni Hon. Belle Aro at sa tulong ng iba’t ibang kasapi ng pribadong sektor. Sa unang taon ng selebrasyon, nagtipon-tipon ang iba’t ibang alagad ng sining upang itanghal ang kanilang mga talento. Bagama’t simple lamang ang inaasahang pagdiriwang, mahigit 30 performers ang nakilahok sa programa. Dahil sa mainit na pagtanggap sa inisyatiba, isinama ang proyekto sa Amended Comprehensive Barangay Youth Development Plan para sa mga taong 2025 at 2026.
Isinagawa ang inisyatiba mula Pebrero 23 hanggang 28 at binubuo ito ng mga dance at theatre workshop, on-the-spot painting contest, at isang culminating concert na nagbigay-pugay sa mga artistang nakabase sa Balara.
Ang mga Hip-Hop Workshop ay pinangunahan ni Jan Roilan Pasno, founder ng Ozairus Dance Troupe, habang ang Ballet at Contemporary Workshop ay pinangunahan ni Tina Valderrama, isa sa mga founding member ng UPeepz at dating company member ng Philippine Ballet Theatre. Mas bata kaysa sa inaasahan ang karamihan sa mga kalahok sa Ballet Workshop. Samantala, naging mahalagang espasyo ang Hip-Hop at Contemporary Workshop sa pagkikita at pagsasanib ng iba’t ibang kabataang mananayaw mula sa Barangay Matandang Balara. Isinagawa ang mga workshop sa unang apat na araw ng programa, mula Pebrero 23 hanggang 26.
Sinundan ang mga workshop ng On-the-Spot Painting Contest noong umaga ng Pebrero 27, na sinundan naman ng Theatre Workshop sa parehong hapon. Binigyan ang mga kalahok sa painting contest ng paksang “Ano ang kahalagahan ng Sining sa Lipunan?” Ang mga likhang-sining ng mga kalahok ay ipinakita sa publiko bilang bahagi ng Culminating Night noong Pebrero 28.
Ang Culminating Night ay isang mini-concert na tampok ang mga pagtatanghal ng mga artistang nakabase sa Balara, kabilang ang mga singer, rapper, dancer, at drag queen. Isinagawa rin sa gabing ito ang paggawad ng mga parangal sa mga nagwagi sa On-the-Spot Painting Contest.
Tulad ng iba pang mga programa ng SKMB, binigyan din ng espasyo ang mga kabataang negosyante mula sa Balara upang magtayo ng kanilang mga booth sa paligid ng courtyard at audience area ng Erehwon Center for the Arts. Sa pamamagitan nito, nabigyan sila ng pagkakataong maipakilala ang kanilang mga produkto at serbisyo habang nakikilahok sa pagdiriwang ng sining at kultura ng komunidad.
Bilang konseho, kinikilala ng SKMB ang halaga ng sining hindi lamang bilang daluyan ng pagkukuwento, kundi bilang isang makapangyarihang kasangkapan sa pagpapahayag ng mga ideya, kaisipan, at salaysay na may mahalagang implikasyong panlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitika. Ang sining ay politikal. Ang sining ay hindi mahihiwalay sa lipunan. Naninindigan ang SKMB na nararapat magkaroon ang mga lokal na alagad ng sining ng mga espasyong maaari nilang paglinangan ng kanilang talento at malayang maipahayag ang kanilang pagkamalikhain. Bilang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, mahalagang makapaglaan ng mga lehitimo at malayang espasyo para sa mga artista, lalo na sa kontekstong laganap ang red-tagging.
Kapag may sining, may puso. Dahil sa sining, may buhay.
See Sining, Kwento, at Musika ng Balara 2026 here.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join