Mission PAWssible: A Cohesive Plan for Matandang Balara’s Pet Welfare
Allotted Budget
₱73,550Amount Utilized
₱73,400Total Beneficiaries
50Environment
Budget tracking
Allotted Budget
₱73,550Amount Utilized
₱73,400Total Beneficiaries
50Title 1
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To increase animal welfare awareness within the community |
| 02 | To encourage responsible pet ownership practices among the youth |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of animals supported with basic needs through pet hygiene kits |
| 02 | Number of youth encouraged to practice responsible pet ownership |
Shared across all project titles
Ang Mission PAWssible (MP) Year 2, gaya ng unang taon ng pagpapatupad nito, ay hindi lamang nakatuon sa simpleng pamamahagi ng mga pet essentials kits. Higit pa sa pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan para sa mga alagang hayop, layunin nitong palakasin ang kamalayan at responsibilidad ng mga pet owners tungo sa mas maayos, ligtas, at makataong pag-aalaga sa kanilang mga alaga.
Para sa ikalawang taon ng programa, higit na pinahusay ang Mission PAWssible sa pamamagitan ng paggamit sa mga nakalap na impormasyon at datos mula sa unang taon ng implementasyon. Isinaalang-alang din ang mga suhestyon at karanasan ng mga naging participants, gayundin ang mga pananaw ng iba pang community stakeholders, upang mas maging angkop at tumugon sa aktuwal na pangangailangan ng mga alagang hayop at kanilang mga tagapag-alaga sa komunidad.
Bilang bahagi ng pagpapalawak ng adbokasiya, isinama sa MP Year 2 ang isang informative seminar tungkol sa responsible pet ownership para sa mga pet owners ng komunidad. Sa pamamagitan nito, hindi lamang materyal na tulong ang naibibigay sa mga alagang hayop, kundi pati na rin ang kaalaman na makatutulong sa kanilang mga tagapag-alaga sa pagtupad ng kanilang responsibilidad. Sa seminar, binigyang-diin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon, kalinisan, kalusugan, regular na pangangalaga, at makataong pagtrato sa mga alagang hayop.
Ang seminar ay isinagawa sa pakikipagtulungan at pinangunahan ni Mr. Decster Mariano, isang animal welfare advocate at aktibong volunteer ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS). Sa pamamagitan ng kanyang kaalaman at karanasan sa animal welfare, nabigyan ang mga kalahok ng mas praktikal at makabuluhang gabay hinggil sa responsableng pagmamay-ari at pangangalaga ng mga alagang hayop.
Kasabay ng seminar, ipinamahagi rin ang Pet Essentials Kits na binuo batay sa mga pangangailangang natukoy mula sa unang taon ng programa. Kabilang sa mga laman ng bawat kit ang dental hygiene set para sa pagpapanatili ng kalinisan at kalusugan ng ngipin ng mga alagang hayop, vitamins bilang karagdagang suporta sa kanilang pangkalahatang kalusugan, at deworming tablets para sa regular na pangangalaga laban sa mga intestinal parasites. Kasama rin dito ang stainless bowl para sa mas malinis at maayos na lalagyan ng pagkain o tubig, dog and cat food upang makatulong sa kanilang pangunahing pangangailangan sa nutrisyon, shampoo para sa wastong kalinisan at pangangalaga sa balahibo at balat, at dog/cat mat bed upang magkaroon sila ng komportable at maayos na lugar para makapagpahinga.
Ang Mission PAWssible Year 2 ay isang hakbang tungo sa mas komprehensibong community-based animal welfare advocacy. Pinagsasama nito ang kaalaman at responsibilidad—sapagkat ang tunay na malasakit sa mga alagang hayop ay hindi lamang nasusukat sa mga bagay na naibibigay sa kanila, kundi sa patuloy na pagkatuto at pagtupad ng kanilang mga tagapag-alaga sa responsibilidad na pangalagaan sila nang maayos at makatao.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join