Linis Kalinga: Alaga sa Kalusugan, Hatid Sa’yo! (Hygiene Kits)
Allotted Budget
₱161,500Amount Utilized
₱161,450Total Beneficiaries
300Health
Budget tracking
Allotted Budget
₱161,500Amount Utilized
₱161,450Total Beneficiaries
300Title 1
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To enhance the effectiveness of hygiene interventions in reducing disease transmission and improving health outcomes among the youth by providing them with the necessary knowledge and skills |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of youth equipped with effective hygiene techniques |
| 02 | Number of youth engaging in informed decision-making with regard to basic hygiene principles |
| 03 | Number of youth provided with hygiene kits and pamphlets |
Shared across all project titles
Layunin ng unang iterasyon ng Linis Kalinga: Alaga sa Kalusugan, Hatid Sa’yo! na patatagin ang kapasidad ng kabataan mapangalagaan ang kanilang kaligtasan at kalusugan. Nagsisilbing tulay ang proyekto na ito para siguraduhin na ang bawat kabataan ay pinahahalagahan, pinoprotektahan, at binibigyan ng mga kagamitan at kakayahang umunlad.
Ukol rito, naghandog ng mga first aid cabinet ang Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara para sa bawat classroom at pasilidad ng Old Balara Elementary School, Alternative Learning System ng Barangay, at SKMB Hub. Ang mga cabinet na ito ay nilagyan ng mahahalagang suplay na medikal, kabilang ang bulak, hydrogen peroxide (agua oxigenada), band-aid, hot & cold compress, betadine, alcohol, gauze bandage, thermometer, at medical tape. Binigyang-diin ng inisyatibong ito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng akses sa wastong impormasyon at mahahalagang suplay sa mga panahon ng emergency.
Kasama rin sa inisyatibo ang pagbabahagi ng mga pagkain para sa mga guro, mag-aaral, at lahat ng kasapi ng programa.
Bilang Sangguniang Kabataan, tungkulin ng konseho na pangalagaan at paunlarin ang potensiyal ng susunod na henerasyon. Ang kabataan ang puso ng kinabukasan ng komunidad, at ang kanilang kalagayan ay tuwirang repleksyon ng kalusugan at katatagan ng ating barangay. Sa isang mundong maaaring makaranas ng mga emergency, natural man o dulot ng tao, kadalasang higit na bulnerable ang mga hindi sapat ang paghahanda. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa kabataan ng kaalaman at mga kagamitang kinakailangan upang tumugon sa mga health crisis at injury, hindi lamang nagtuturo ang programa ng mga kasanayan bagkus nagsusulong din ito ng kultura ng kahandaan, pananagutan, at malasakit.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join