Kabataang May Pag-asa: Edukasyon sa Kalusugan ng Reproduktibo at Suporta para sa mga Kabataang Magulang (Teenage Pregnancy)
Allotted Budget
₱251,496Amount Utilized
₱251,396Total Beneficiaries
340Health
Budget tracking
Allotted Budget
₱251,496Amount Utilized
₱251,396Total Beneficiaries
340Allotted Budget
₱155,600Amount Utilized
₱155,500Total Beneficiaries
400Shared across all project titles
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan 2025, isinagawa ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara (SKMB) ang BabaeAko 2025; kasama rito ang Gawad Kababaihan Awards—isang espesyal na pagtitipon na naglalayong kilalanin, bigyang-kapangyarihan, at ipagdiwang ang mga natatanging kababaihan ng Barangay Matandang Balara—at ang BabaeAko Health Caravan.
Layunin ng programa na kilalanin ang katatagan, dedikasyon, at ambag sa pamilya, komunidad, at sa mga susunod na henerasyon ng kababaihan, kasabay ng pagbibigay-diin sa kahalagahan ng women’s health, health awareness, at access sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan.
Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, muling pinagtibay ng SKMB ang pangako nitong lumikha ng mga programang nag-aangat sa kababaihan at nagbibigay sa kanila ng makabuluhang pagkakataong makilala, marinig, at masuportahan.
Mula Marso 27 hanggang Abril 2, 2025, nakapaghatid ang Women’s Health Caravan ng libreng serbisyong pangkalusugan sa mahigit 500 kababaihan mula sa iba’t ibang lugar sa Barangay Matandang Balara, kabilang ang Feria, SB Park, Mafran, Namalu, Samadores, Centro, at Sitio Payong.
Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa komunidad ang Free Breast Ultrasound, OB-GYN Consultation, Triage at Checking of Vital Signs, General Medical Check-up, Free Pap Smear Test, #BabaeTalks, at pamamahagi ng informative brochures tungkol sa Women’s Health and Rights, HIV Awareness, at Teenage Pregnancy. Namigay rin ang SKMB ng libreng feminine hygiene kits, baby care kits para sa mga teenage at solo parents, at mini-hygiene kits para sa mga non-female participants na lumahok sa libreng HIV testing.
Kabilang sa mga katuwang na partner at healthcare professionals ang Diagnostica de San Vicente Corporation, Doc Aid Diagnostic Center, Gabriela Youth, Philippine Medical Alliance of Alpha Mapulon, HIV & AIDS Support House, mga organisasyon, SKMB Volunteers, at iba pang indibidwal na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng isang linggong caravan. Malaki ang naging ambag ng kanilang suporta at pakikipagtulungan upang mailapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa mga kababaihan ng komunidad.
Sa hiuling araw, ginanap ang Gawad Kababaihan Awards 2025, kung saan kinilala ang mga kababaihang nagpakita ng dedikasyon, husay, at paglilingkod na nakatulong sa kanilang pamilya at komunidad. Naging paalala ang awarding ceremony na ang bawat ambag ng kababaihan, gaano man ito kalaki o kaliit, ay mahalaga at nararapat kilalanin.
Sa kabuuan, ang Babae Ako 2025 ay higit pa sa isang programa ng pagkilala. Naging pagdiriwang ito ng lakas, katatagan, at mahalagang ambag ng kababaihan sa Matandang Balara. Kasabay ng Women’s Health Caravan, ipinakita ng inisyatiba na ang pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan ay nangangailangan hindi lamang ng pagkilala, kundi pati ng access sa impormasyon, serbisyong pangkalusugan, at mga oportunidad na makatutulong sa kanilang patuloy na pag-unlad.
Bilang isang women-led council na nakatuon sa pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan at pagsusulong ng inclusivity, naninindigan ang SKMB na ang bawat babae ay nararapat kilalanin, marinig, at masuportahan. Sa pamamagitan ng patuloy na mga programa at inisyatiba, layunin ng SKMB na makapag-ambag sa pagbuo ng isang mas ligtas, malusog, inklusibo, at empowered na komunidad kung saan ang mga kababaihan ng Matandang Balara ay patuloy na mabibigyang lakas.
Read more about Kabataang may Pag-asa here.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join