#TechKNOWledge-e: Technological Literacy
Allotted Budget
₱44,550Amount Utilized
₱44,535Total Beneficiaries
150Education
Budget tracking
Allotted Budget
₱44,550Amount Utilized
₱44,535Total Beneficiaries
150Title 1
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To empower the youth with versatile computer and technological literacy, and knowledge of ICTs that contribute to their personal, educational, and professional growth |
| 02 | To provide students from financially distressed families with access to basic technological material necessary for schooling |
| 03 | To increase the number of students engaged and motivated in their studies by omitting the identified barrier |
| 04 | To provide social inclusion in quality education for impoverished students |
| 05 | To provide students with vital equipment that would reduce the incidence of out-of-school youth and dropouts |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of people who participated in the project, with increased capabilities in computer and technological literacy |
Shared across all project titles
Ang TechKNOWledge: #DapatTotoo ay isang proyektong naglalayong palawakin ang kaalaman at kamalayan ng kabataan tungkol sa Artificial Intelligence (AI) at fact-checking sa mabilis na nagbabagong digital na mundo. Sa patuloy na mabilis na pagkalat ng impormasyon online, mahalagang matutunan ng kabataan kung paano gamitin nang responsable ang AI at kung paano beripikahin ang impormasyon bago ito paniwalaan o ibahagi.
Isinagawa ang proyekto sa pamamagitan ng apat na sesyon noong Hulyo 22, 24, 25, at 29, 2026, na bawat isa ay tumagal nang halos dalawang oras at isinagawa sa iba’t ibang lugar sa Matandang Balara: Mafran, Villa Beatriz, Centro, at Feria. Pinangunahan ang mga sesyon ng ating tagapagsalita na si Mr. Sean Almeda.
Sa buong sesyon, tinalakay kung paano gamitin nang wasto ang AI, tukuyin ang mapanlinlang o maling impormasyon, at beripikahin ang mga balita at iba pang impormasyon bago ito paniwalaan o ibahagi.
Nagkaloob ng Certificates of Appreciation sa mga kalahok bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok, gayundin kay Mr. Sean Almeda bilang pasasalamat sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman, oras, at kadalubhasaan sa buong serye ng mga sesyon.
Layunin ng TechKNOWledge: #DapatTotoo na bigyang-kakayahan ang kabataan ng Matandang Balara sa pamamagitan ng praktikal na kaalaman at kamalayan na maaari nilang gamitin sa kanilang pang-araw-araw na buhay, lalo na sa pagharap sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya at daloy ng impormasyon.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join