#BabaeAko: The SKMB Women’s Month Celebration
Allotted Budget
₱395,990Amount Utilized
₱376,550Total Beneficiaries
350Social Inclusion & Equity +1 more
Budget tracking
Allotted Budget
₱395,990Amount Utilized
₱376,550Total Beneficiaries
350Allotted Budget
₱182,410Amount Utilized
₱182,380Total Beneficiaries
100Title 1
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To raise awareness regarding the importance of gender equality and women's representation in government and civil society affairs |
| 02 | To increase thepercentage of the youth who recognize that violence and discrimination against / |
| 03 | To help establish a safe community where women can be empowered and their rights respected |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of women equipped with awareness regarding their rights and |
Title 2
| No. | Objective |
|---|---|
| 01 | To curate a specialized program for Teenage Parents and Youth Solo Parents |
| 02 | To empower young parents with access to social services that promote their health and well-being |
| 03 | To allow young parents to find community within each other, allowing them to better care for their children and reintegrate themselves into daily youth life (i.e., school, community) |
| No. | Indicator |
|---|---|
| 01 | Number of teenage parents empowered through the program |
Shared across all project titles
Ang Buwan ng Kababaihan ay taon-taong ipinagdiriwang ng Sangguniang Kabataan ng Matandang Balara upang kilalanin at bigyang-pugay ang mahalagang papel at ambag ng kababaihan sa komunidad. Sa pamamagitan ng taunang inisyatibang ito, binibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na makilahok sa mga programang nagtataguyod ng kanilang kalusugan, kapakanan, at patuloy na pagbibigay-kapangyarihan.
Noong Marso 2026, ipinagdiwang ito sa pamamagitan ng tatlong pangunahing inisyatiba: Girls in Sports, Mommy & Me Classes, at BalaRAMPA! Advocacy Runway Competition.
Para sa Girls in Sports, isinagawa ang 3x3 Women’s Basketball One-Day League, All-Women Chess Tournament, All-Women 5x5 MBBL E-Sports Tournament, Women’s Singles Badminton One-Day League, at Women’s Volleyball One-Day League. Ang mga papremyo para sa bawat aktibidad ay mababasa sa ibaba.
Ang Girls in Sports na inisyatiba ng SKMB ay hindi lamang pagbibigay-pugay sa mga kababaihang atleta ng barangay. Isa rin itong sadyang mekanismo na naglalayong magbigay ng espasyo para sa mga kababaihan sa gitna ng isang patriyarkal na lipunan, kung saan madalas ay mahirap makamit ang nararapat at pantay na espasyo at oportunidad para sa lahat.
Isinagawa rin ang Safe Lang Sis! Self-Defense Training bilang mahalagang pagsasanay upang mabigyang-kakayahan ang mga kababaihan na ipagtanggol ang kanilang sarili. Pinangunahan ito ng mga kababaihang bahagi ng ECF Martial Arts Nation.
Para naman sa Mommy & Me Classes, sinikap ng SKMB na anyayahan ang mga teenage mother at solo parent bilang pangunahing kalahok sa inisyatiba. Nagkaroon ng tatlong pagsasanay para sa iba’t ibang pangkat ng edad: Baby Yoga, Arts & Crafts, at Pre-Teen Connections.
Ang programang ito ay nagsilbing suporta sa mga teenage parent na madalas ay hindi nabibigyan ng sapat na tulong sa lokal at pangkomunidad na antas. Naging mahalagang daan din ang programa upang mabigyan ang mga kalahok ng gabay, kaalaman, at kasanayang makatutulong sa kanilang pagganap bilang mga magulang at tagapagtaguyod ng kanilang pamilya.
Higit pa sa pagbibigay ng impormasyon, naging mahalagang espasyo rin ang programa para sa pagbuo ng suporta at pagkakaisa sa hanay ng mga kabataang magulang. Sa pagkilala sa kanilang mga pangangailangan at karanasan, nakatulong ang inisyatiba sa pagpapalakas ng kanilang kumpiyansa, kakayahan, at pag-asa para sa mas matatag at maayos na kinabukasan para sa kanilang sarili at mga anak.
Bilang kulminasyon ng programa, isinagawa ang BalaRAMPA! Advocacy Runway Competition. Layunin ng inisyatibang ito na bigyang-pagkilala ang mga kababaihang nagkaroon ng mahalagang papel sa kasaysayan ng lipunang Pilipino, lalo na ang kanilang ambag sa paghuhulma ng daan tungo sa pagtatamasa ng mga karapatan at kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Mayroong dalawang dibisyon—Women’s at Ladies’—at tatlong kategorya sa patimpalak: Filipina National Hero Costume, Sustainable Fashion, at Advocacy Wear.
Nakatanggap ang bawat kampeon ng PHP 10,000; ang 1st Runner-up ng PHP 7,000; ang 2nd Runner-up ng PHP 5,000; ang 3rd Runner-up ng PHP 3,000; at ang 4th Runner-up ng PHP 1,500. Nag-uwi ang lahat ng nanalo ng Crown, Sash, Bouquet, at Certificate. Ang iba pang kalahok ay nakatanggap naman ng PHP 500 Consolation Prize at Certificate.
Sa kabuuan, nagsilbi rin ang programa bilang plataporma upang isulong ang kamalayan hinggil sa gender equality at pagpapahalaga sa mga karapatan ng kababaihan. Sa pagbibigay ng ligtas at inklusibong espasyo para sa pagkatuto, pakikilahok, at pagpapahayag ng sarili, higit na pinagtibay ng mga inisyatiba ang layuning bumuo ng isang komunidad na nagbibigay ng pantay na oportunidad at pagkilala sa lahat.
Sign in with your SKMB resident account to comment, reply, or react.
Sign in to join